Huwebes, Enero 5, 2012

LET ME IN



Director: Matt Reeves
           
            Ang pelikulang Let me in sa direksyon ni Matt Reeves ay pinapakita kung gaano kahala sa dalawang bata ang kanilang pagkakaibigan. Kahit ano o sino pa sila, ang mahalaga ay kanilang pagsasamahan at kanilang pinagsamahan. Nagustuhan ko ang pelikulang ito, mahusay ang pagkaka arte ng dalawang bata na sina Kodi Smit-McPhee bilang Owen at ChloĆ« Grace Moretz bilang Abby. Bumagay sakinlang mga itsura ang role na kanilang ginampanan, si Owen na palaging malungkot dahil naghiwalay na ang kanyang mga magulang, palagi siyang pinagtatawanan at niloloko sa kanilang eskwelahan, payat at pinagtutuong tulungan ng mga kaklase. Si Abby na parang walang pakiramdam, bampirang bata na walang kaibigan. Hanggang nagkakilala ang dalawang bata at nagkasundo tungkol sa kanilang dalawa. Dahil kay Abby natutunan ni Owen ang lumaban sa mga taong ngaapi sakanya. Pero dumating din ang araw na kailangang maghiwalay ng dalawa dahil hindi ligtas si Owen pag kasama si Abby, isa pa ay indi sila pareho ng katayuan sa buhay.pero bumalik si Owen para ipagtanggol ang kaibigan sa kapahamakan. para sa akin ay bitin ang storya, hindi na pinakita kung ano na ngyari sa nanay ni Owen, kung saan sila pupunta at kung magtatagal ba si Owen kasama ang katulad ni Abby okay ay kung makakatiis ba si Abby na huwag sasaktan si Owen.

MANILA KINGPIN: THE ASIONG SALONGA STORY


Director: Tikoy Aguiluz
            Nang una ko nakita ang patalastas ng pelikulang ito, narinig ko sabi ng lola ko, nangligaw dati si Asyong sa kanyang kapatid, kaya habang pinapanood ko ang pelikula pinakikinggan kong mabuti at baka kasama ang katauhan ng lalo sa pelikuala. Noon pa ay gusto ko na talagang mapanood ang pelikulang ito, hindi dahil sa lola ko kundi dahil gusto kong artista si ER Ejercito. Gusto ko siya bilang kontrabida, kaya lalo ako naengganyo panoorin dahil iba ang role na kanyang gagampanan. May ibang parte ng pelikul ang di ko nagustuhan, may ibang parte na nakakaantok at para saakin ay di na kailangang isama, siguro naman ay may iba pang part ng buhay niya ang mas dapat isama sa pelikula. Ang paggamit ng black and white ng pelikula ay mas lalong nagpakita na ang kwento ng buhay ni Asiong ay matagal ng panahon ang nakalipas. Ang pagarte ng mga tauhan ay epektibo, nakakadala ang ibang pangyayari tulad noong binanggit ni Asyong ang “mas masarap ang mamatay sa kamay ng kaaway pero masakit ang mamatay sa kamay ng kaibigan”. Kilala siya bilang isang lalaking siga ng tondo, mamamatay tao. Ngunit sakabila noon ay may mabuti siyang puso at tumutulong sakapwa kahit ang kanyang sa masamang paraan. Kahit pa siya ay pumapaslang at nagnanakaw, siya ay mabuting anak at padre de pamilya. Naging madugo man ang pelikula, ipinakita din dito na hindi lahat ng tao na nababansagang siga o most wanted ay masamang tao, may mga magandang dahilan kung bakit nila ang mga bagay katulad ng pagpatay. Sa bandang huli, ng piliin ni Asiong ang lalong tumutok s pamilya at magbagong buhay, saka naman siya binawian ng buhay ng isa sa kanyang tinuturing na matalik na kaibigan, hindi na nagtagal pa ang buhay ni Asyiong, ang kanyang kwento ay nagsilbing aral at hindi makakalimutan ng marami.

SEGUNDA MANO


Director: Bb.Joyce Bernal

            Sa pelikulang Seginda Mano na pinangunahan ng mga popular na artista sa direksyon ni Bb.Joyce Bernal ay masasabi kong kakaiba sa mga nakaraang horror Film na naisagawa dito sa bansa. Masasabi kong malaki ang ipinagbago ng mga pelikula dahil sa kakaibang twist na dala ng pelikulang ito. Sa una ay hindi ko naisip as a viewer na si Ivan Galvez (Dingdong Dantes) ang totoong pumapatay, una sa lahat, hindi gumaganap ng ganitong role si Dingdong sa mga nakaraang projects nya, pangalawa kadalasan na nagiging kontrabida sa mga horror films ay ang mga multo, sa storyang ito, kakaiba dahil ang mga multo ang naging bida. Epektibo ang pag-arte ng mga artistang sina Angelika Panganiban at Dingdong Dantes. Si Ms. Kris Aquino na kilala ng lahat bilang isang TV host na praktikal magsalita, para sakin hindi gaano kaepektibo ang kanyang pagarte. Hindi bagay sa itsura nya ang maging mabait, mapagpasensyang anak at girlfriend. Pero ang storya ay mahusay, mahusay ang pagkakaikot ng storya, sa una ay mliligaw ang manonood pero madali ding maiintindihan sa bandang huli. Hindi kasi inaasahan ang mga tunay na pangyayari katulad ng ikinamatay ni Mariella, iisipin ng manonood na si Owen ang pumatay sakanya, at si Ivan ay isang asawa na pinagtaksilan at sy ay ilusenteng naghahanap ng magiging nanay ng anak nya. Isa pa ay ang pagpaparamdam ni Marie, ako bilang manonood, hindi ko naisip na si Marie at Mariella ay iisa. At ang pagkamatay ng ilang tauhan na aakaling si Mariella ang may kasalanan, sa halip ay gusto nyang pigilan ang mga balak ni Ivan. At ang pagsunod ni Mariella kay Mabel na inakala ng lahat ay galit sakanya at gusto syang patayin tulad ng iba, sahalip ay nais pala niya itong bantaan na si Ivan ay masamang tao.

KISAPMATA


Director: Mike De Leon
Cast:
            Ang pelikulang Kisapmata sa dereksyon Mike De Leon ni ay hango sa tunay na buhay. Sa simula pa lang ng storya noong naguusap ang mag-ama at si Mila ay mararamdaman mo na ang tensyon sa loob ng bahay. Ang kanilang mga tingin ant kilos ay nagpapahiwatig na ang pagpapaalam ni Mila na magpakasal sa kanyang nobyo na si Noel ay labis na tinututulan ng ama. Ngunit wala nadin itong nagawa sapagkat si Mila ay nagdadalang tao. Noong una palang ay makikita mo na sa pagganap na Sharo Santos bilang Mila ay may tinatagong lihim. Ngunit ang problema o lihim na ito ay hindi pa malalaman sa unang bahagi ng storya. Ang pagganap naman ni Vic Silayan bilang ama ni Mila ay nagpapakita kung gaano ito kahigpit sa kaisa isang anak niyang babae. Katulad nalang noong pinakita sa pelikula na araw-araw ay hinahatid sundo si Mila ng kanyang ama. Dahil siya y nagiisang anak, at babaeng anak hindi maiiwasan ang pagiging mahigpit ng kangyang mga magulang sakanya, ngunit habang tumatagal ang storya ay kapansin pansin ang malaking galit at pagkainis ni Mila sa kanyang ama. Dumating ang araw ng kasal ni Noel at Mila, ultimo sa resepsyon ay makikita ang pagkatutol ng ama sa pagpapakasal ng anak. Inutusan ng ama na magsakit sakitan ang ina upang mapauwi si Mila sa kanilang bahay at hindi matuloy ang honeymoon ng bagong kasal. Walang nagawa ang magasawa at doon na nagpalipas ng gabi. Isang araw ay hindi na matiis ni Noel ang labis na pangengealam ng tatay ni Mila sakanila. Ito ay nagwala at lumayas sa bahay na iyon. Kinagabihan, sinamantala ng tatay ang pagkakataon, sa parting iyon ng storya ay nabunyag ang lihim na tinatago ni Mila. Siya ay pinagsasamantalahan ng kanyang ama, ang pagaasawang akala niya ay makakatulong sakanya ay wala ding nagawa. Sumunod na araw ay nagkaroon ng pagkakataon na makatakas si Mila, siya ay isinugod sa ospital dahil sa sobrang pagsakit ng kanyang tiyan. Tinawagan niya si Noel upang magpasundo malapit sa ospital, nagawa naman nila ang kanilang binabalak. Nakalayo sila sa puder ng ama. Pinakita sa parting yon ng storya na kahit nakalayo na ang magasawa ay hindi padin natatahimik ang kalooban ni Mila, nagkakaroon siya ng masamang panaginip na hindi niya akalaing ito pala ay isang pangitain. Magpapasko noon at napilitang bumalik sina Mila at Noel dahil sa pagpapakumbinse ng tatay ni Noel. Dahil doon napatira sina Mila at Noel sa bahay nina Noel at ng kanyang tatay. Isang gabi habang abala naghahanda si Mila ay tumawag ang kanyang ama, pinapauwi niya ito at nagwikang kailangan niya ang anak. Labis ang pagkagalit ni Mila na nagdisisyon na siyang umalis na doon ng tuluyan. Pumunta sina Mila ay Noel hindi dahil magtitigil na ulit doon ang magasawa kundi kukunin na nila lahat ng mga damit ni Mila. Nagbanya ang nanay ni Mila na halos wala na sa sarili ang ama, kaya’t wag na nila ituloy pa ang pagalis, ngunit hindi na talaga mapipigilan pa si Mila, sa pateng yon ay kitang kita ang labis na pagkamuhi ni Mila sa kanyang ama, na halos wala ni sino man ang makakapigil sakanyang pagalis lalo kahit pa pigilan ito ng ama niya. Hindi napasunod ng ama si Mila, na nagudyok sa ama niya na kunin ang baril at inisa isa niyang paslangin sina Mila, Noel, kanyang asawa at ang kanyang sarili.