Huwebes, Enero 5, 2012

LET ME IN



Director: Matt Reeves
           
            Ang pelikulang Let me in sa direksyon ni Matt Reeves ay pinapakita kung gaano kahala sa dalawang bata ang kanilang pagkakaibigan. Kahit ano o sino pa sila, ang mahalaga ay kanilang pagsasamahan at kanilang pinagsamahan. Nagustuhan ko ang pelikulang ito, mahusay ang pagkaka arte ng dalawang bata na sina Kodi Smit-McPhee bilang Owen at Chloë Grace Moretz bilang Abby. Bumagay sakinlang mga itsura ang role na kanilang ginampanan, si Owen na palaging malungkot dahil naghiwalay na ang kanyang mga magulang, palagi siyang pinagtatawanan at niloloko sa kanilang eskwelahan, payat at pinagtutuong tulungan ng mga kaklase. Si Abby na parang walang pakiramdam, bampirang bata na walang kaibigan. Hanggang nagkakilala ang dalawang bata at nagkasundo tungkol sa kanilang dalawa. Dahil kay Abby natutunan ni Owen ang lumaban sa mga taong ngaapi sakanya. Pero dumating din ang araw na kailangang maghiwalay ng dalawa dahil hindi ligtas si Owen pag kasama si Abby, isa pa ay indi sila pareho ng katayuan sa buhay.pero bumalik si Owen para ipagtanggol ang kaibigan sa kapahamakan. para sa akin ay bitin ang storya, hindi na pinakita kung ano na ngyari sa nanay ni Owen, kung saan sila pupunta at kung magtatagal ba si Owen kasama ang katulad ni Abby okay ay kung makakatiis ba si Abby na huwag sasaktan si Owen.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento