Huwebes, Enero 5, 2012

KISAPMATA


Director: Mike De Leon
Cast:
            Ang pelikulang Kisapmata sa dereksyon Mike De Leon ni ay hango sa tunay na buhay. Sa simula pa lang ng storya noong naguusap ang mag-ama at si Mila ay mararamdaman mo na ang tensyon sa loob ng bahay. Ang kanilang mga tingin ant kilos ay nagpapahiwatig na ang pagpapaalam ni Mila na magpakasal sa kanyang nobyo na si Noel ay labis na tinututulan ng ama. Ngunit wala nadin itong nagawa sapagkat si Mila ay nagdadalang tao. Noong una palang ay makikita mo na sa pagganap na Sharo Santos bilang Mila ay may tinatagong lihim. Ngunit ang problema o lihim na ito ay hindi pa malalaman sa unang bahagi ng storya. Ang pagganap naman ni Vic Silayan bilang ama ni Mila ay nagpapakita kung gaano ito kahigpit sa kaisa isang anak niyang babae. Katulad nalang noong pinakita sa pelikula na araw-araw ay hinahatid sundo si Mila ng kanyang ama. Dahil siya y nagiisang anak, at babaeng anak hindi maiiwasan ang pagiging mahigpit ng kangyang mga magulang sakanya, ngunit habang tumatagal ang storya ay kapansin pansin ang malaking galit at pagkainis ni Mila sa kanyang ama. Dumating ang araw ng kasal ni Noel at Mila, ultimo sa resepsyon ay makikita ang pagkatutol ng ama sa pagpapakasal ng anak. Inutusan ng ama na magsakit sakitan ang ina upang mapauwi si Mila sa kanilang bahay at hindi matuloy ang honeymoon ng bagong kasal. Walang nagawa ang magasawa at doon na nagpalipas ng gabi. Isang araw ay hindi na matiis ni Noel ang labis na pangengealam ng tatay ni Mila sakanila. Ito ay nagwala at lumayas sa bahay na iyon. Kinagabihan, sinamantala ng tatay ang pagkakataon, sa parting iyon ng storya ay nabunyag ang lihim na tinatago ni Mila. Siya ay pinagsasamantalahan ng kanyang ama, ang pagaasawang akala niya ay makakatulong sakanya ay wala ding nagawa. Sumunod na araw ay nagkaroon ng pagkakataon na makatakas si Mila, siya ay isinugod sa ospital dahil sa sobrang pagsakit ng kanyang tiyan. Tinawagan niya si Noel upang magpasundo malapit sa ospital, nagawa naman nila ang kanilang binabalak. Nakalayo sila sa puder ng ama. Pinakita sa parting yon ng storya na kahit nakalayo na ang magasawa ay hindi padin natatahimik ang kalooban ni Mila, nagkakaroon siya ng masamang panaginip na hindi niya akalaing ito pala ay isang pangitain. Magpapasko noon at napilitang bumalik sina Mila at Noel dahil sa pagpapakumbinse ng tatay ni Noel. Dahil doon napatira sina Mila at Noel sa bahay nina Noel at ng kanyang tatay. Isang gabi habang abala naghahanda si Mila ay tumawag ang kanyang ama, pinapauwi niya ito at nagwikang kailangan niya ang anak. Labis ang pagkagalit ni Mila na nagdisisyon na siyang umalis na doon ng tuluyan. Pumunta sina Mila ay Noel hindi dahil magtitigil na ulit doon ang magasawa kundi kukunin na nila lahat ng mga damit ni Mila. Nagbanya ang nanay ni Mila na halos wala na sa sarili ang ama, kaya’t wag na nila ituloy pa ang pagalis, ngunit hindi na talaga mapipigilan pa si Mila, sa pateng yon ay kitang kita ang labis na pagkamuhi ni Mila sa kanyang ama, na halos wala ni sino man ang makakapigil sakanyang pagalis lalo kahit pa pigilan ito ng ama niya. Hindi napasunod ng ama si Mila, na nagudyok sa ama niya na kunin ang baril at inisa isa niyang paslangin sina Mila, Noel, kanyang asawa at ang kanyang sarili.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento