Huwebes, Enero 5, 2012

MANILA KINGPIN: THE ASIONG SALONGA STORY


Director: Tikoy Aguiluz
            Nang una ko nakita ang patalastas ng pelikulang ito, narinig ko sabi ng lola ko, nangligaw dati si Asyong sa kanyang kapatid, kaya habang pinapanood ko ang pelikula pinakikinggan kong mabuti at baka kasama ang katauhan ng lalo sa pelikuala. Noon pa ay gusto ko na talagang mapanood ang pelikulang ito, hindi dahil sa lola ko kundi dahil gusto kong artista si ER Ejercito. Gusto ko siya bilang kontrabida, kaya lalo ako naengganyo panoorin dahil iba ang role na kanyang gagampanan. May ibang parte ng pelikul ang di ko nagustuhan, may ibang parte na nakakaantok at para saakin ay di na kailangang isama, siguro naman ay may iba pang part ng buhay niya ang mas dapat isama sa pelikula. Ang paggamit ng black and white ng pelikula ay mas lalong nagpakita na ang kwento ng buhay ni Asiong ay matagal ng panahon ang nakalipas. Ang pagarte ng mga tauhan ay epektibo, nakakadala ang ibang pangyayari tulad noong binanggit ni Asyong ang “mas masarap ang mamatay sa kamay ng kaaway pero masakit ang mamatay sa kamay ng kaibigan”. Kilala siya bilang isang lalaking siga ng tondo, mamamatay tao. Ngunit sakabila noon ay may mabuti siyang puso at tumutulong sakapwa kahit ang kanyang sa masamang paraan. Kahit pa siya ay pumapaslang at nagnanakaw, siya ay mabuting anak at padre de pamilya. Naging madugo man ang pelikula, ipinakita din dito na hindi lahat ng tao na nababansagang siga o most wanted ay masamang tao, may mga magandang dahilan kung bakit nila ang mga bagay katulad ng pagpatay. Sa bandang huli, ng piliin ni Asiong ang lalong tumutok s pamilya at magbagong buhay, saka naman siya binawian ng buhay ng isa sa kanyang tinuturing na matalik na kaibigan, hindi na nagtagal pa ang buhay ni Asyiong, ang kanyang kwento ay nagsilbing aral at hindi makakalimutan ng marami.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento