Huwebes, Enero 5, 2012

SEGUNDA MANO


Director: Bb.Joyce Bernal

            Sa pelikulang Seginda Mano na pinangunahan ng mga popular na artista sa direksyon ni Bb.Joyce Bernal ay masasabi kong kakaiba sa mga nakaraang horror Film na naisagawa dito sa bansa. Masasabi kong malaki ang ipinagbago ng mga pelikula dahil sa kakaibang twist na dala ng pelikulang ito. Sa una ay hindi ko naisip as a viewer na si Ivan Galvez (Dingdong Dantes) ang totoong pumapatay, una sa lahat, hindi gumaganap ng ganitong role si Dingdong sa mga nakaraang projects nya, pangalawa kadalasan na nagiging kontrabida sa mga horror films ay ang mga multo, sa storyang ito, kakaiba dahil ang mga multo ang naging bida. Epektibo ang pag-arte ng mga artistang sina Angelika Panganiban at Dingdong Dantes. Si Ms. Kris Aquino na kilala ng lahat bilang isang TV host na praktikal magsalita, para sakin hindi gaano kaepektibo ang kanyang pagarte. Hindi bagay sa itsura nya ang maging mabait, mapagpasensyang anak at girlfriend. Pero ang storya ay mahusay, mahusay ang pagkakaikot ng storya, sa una ay mliligaw ang manonood pero madali ding maiintindihan sa bandang huli. Hindi kasi inaasahan ang mga tunay na pangyayari katulad ng ikinamatay ni Mariella, iisipin ng manonood na si Owen ang pumatay sakanya, at si Ivan ay isang asawa na pinagtaksilan at sy ay ilusenteng naghahanap ng magiging nanay ng anak nya. Isa pa ay ang pagpaparamdam ni Marie, ako bilang manonood, hindi ko naisip na si Marie at Mariella ay iisa. At ang pagkamatay ng ilang tauhan na aakaling si Mariella ang may kasalanan, sa halip ay gusto nyang pigilan ang mga balak ni Ivan. At ang pagsunod ni Mariella kay Mabel na inakala ng lahat ay galit sakanya at gusto syang patayin tulad ng iba, sahalip ay nais pala niya itong bantaan na si Ivan ay masamang tao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento